MRT-3 train na biktima ng vandalism, nagagamit na ng publiko

Malinis na at napapatakbo na sa mainline ng Metro Rail Transit (MRT) 3, ang isang bagon ng tren na pininturahan ng salitang ‘cranks’ noong May 12.

Sa ulat ng MRT-3, masinsinang nilinis ng mga kawani ng tren at contractor na Sumitomo-Mitsubishi ang sinalaulang tren.

Dahil sa insidente ng vandalism, ay nag-deploy ng dagdag na tauhan ang private security agency na nagbabantay sa MRT-3.

Bukod sa foot tracks guards na itinalaga sa mga istasyon ng Magallanes at Taft Avenue, ay mayroon ding naglilibot na patrol car para sa karagdagang seguridad sa area.

Wala pang linaw hanggang sa ngayon, kung sino ang mga taong responsable sa pambababoy sa tren ng MRT-3.