Travel restrictions sa mga backdoor entry at exit points patungong Malaysia at Indonesia, matagal nang ipinatutupad — Palasyo

Matagal nang nagpapatupad ng travel restrictions ang gobyerno partikular sa backdoor entry point ng Pilipinas patungong Sabah, Malaysia, at Indonesia. 

Binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nang mag-umpisa ng kumalat ang virus ay nagpatupad na ang pamahalaan ng mahigpit na quarantine protocols sa mga backdoor entry  at exit points ng bansa. 

Maging ang lahat aniya ng repatriation effort ng pamahalaan sa mga Pinoy na naroroon sa Sabah at Indonesia ay nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan. 

Una dito’y iginiit ng Department of Health (DOH) na kailangang masigurong makapagpapatupad ng strict border control sa gitna ng paniniyak na hindi makakalusot ang kinatatakutang Delta variant. 

Unang nadiskubre ang Delta variant sa India na kung saan ay naiulat ang maraming bilang ng mga nangamatay.