Travel advisory ng UK sa pagbiyahe sa Mindanao, hindi na bago — DND

Walang bago sa pagpapalabas ng United Kingdom ng travel advisory sa pagpunta sa Mindanao.

Ito ang inihayag ni Department of Defense Spokesperson Arsenio Andolong sa isang statement, kung saan tinukoy nito na regular na gawain ang UK ang magbigay ng abiso sa kanilang mga mamamayan na bumibiyahe sa labas ng bansa.

Ayon kay Andolong ito’y simpleng paalala lang ng UK sa kanilang mga mamamayan na mag-ingat sa pagbiyahe sa mga bansa na may mga bandido at terorista.

Aniya, ang babala ay inilalabas kahit pa konti o malawak man ang aktibidad ng mga terorista sa isang lugar.

Mababatid na sa abiso ng UK government, pinaiwasan sa kanilang mga citizens ang western at central Mindanao kasama ang Sulu Archipelago dahil sa presensya ng mga teroristang grupo.  | ulat ni Leo Sarne