Travel advisory ng UK at Australia matapos ang pambobomba sa Cotabato, walang problema – Palasyo

Walang nakikitang problema ang MalacaƱang sa travel advisory na inilabas ng United Kingdom at ng Australia, kasunod ng insidente ng pambobomba sa Cotabato City nitong nakaraang Lunes.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kanilang naiintindihan ang naging hakbang ng dalawang bansa sa pag-iisyu ng travel advisory at kanila itong itinuturing na isang natural na aksiyon lamang.

Dagdag pa ni Panelo, hindi nila masisisi ang UK at Australia, gayung ang nais lang naman ng mga ito ay matiyak ang kaligtasan ng kanilang mamamayan.

Pero paninindigan ng Palasyo, ang nangyaring pambobomba nitong bisperas ng bagong taon ay isang isolated case lamang, at nananatiling ligtas na bumiyahe sa kamindanawan.

Dalawa ang nasawi habang hindi bababa sa 30 ang nasugatan sa bombing incident, na sinasabing kagagawan ng local Muslim militants na konektado sa Islamic State group. | ulat ni Alvin Baltazar