Transport strike, generally peaceful — PNP

Pangkalahatang mapayapa ang idinaos na transport strike ngayong araw.

Ito ang inihayag sa isang statement ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, batay sa monitoring ng PNP hanggang kaninang alas-12:00 ng tanghali kung saan walang naitalang untoward incident sa buong bansa.

Kinilala ng opisyal ang kontribusyon ng mga local government units, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at local police sa pagpapalabas ng mga sasakyan para sa mga stranded na pasahero

Una na ring inilagay ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa “disposal” MMDA ang lahat ng kanilang mga truck na naka-standby sa iba’t ibang Metro Manila Police districts para gamitin sa “libreng sakay” kung kakailanganin.

Sinabi pa ni Banac na mananatiling naka-alerto ang PNP para mapigilan ang anumang krimen sa daan at para tumugon sa anumang “request for assistance” mula sa mga mamamayan.