Traffic violation, jaywalking at smoking in public places, top 3 sa nilalabag na batas sa QC

Inilabas ng Quezon City Police District (QCPD) ang pinakahuling talaan nila hinggil sa mga nilabag na batas at ordinansa sa lungsod, at ang mga kaso sa top 3 ay ang traffic violation, sumunod ang jaywalking, at pangatlo ang paninigarilyo sa pampublikong lugar.

Umabot sa 1,460 ang kabuuang violators at iyan ay sa loob lamang ng isang araw, o mula alas-5 ng umaga ng September 4 hanggang alas-5 ng umaga ngayong September 5.

Nasa mahigit 700 ang lumabag sa batas trapiko, habang mahigit 300 ang jaywalkers at halos 300 katao ang lumabag sa paninigarilyo sa pampublikong lugar, sa iba’t ibang mga barangay sa lungsod.