Traffic enforcer na may hawak na P300K, arestado

Inaresto ng PNP-Intelligence Group (IG) at Counter Intelligence Task Force (CITF) ang isang team leader ng Manila Traffic and Parking Bureau dahil sa robbery extortion. Kinilala ang suspek na si Mark Bien Ureta Perez.

Nahuli ang suspek sa akto ng pagtanggap ng marked money na P6,000 mula sa complainant, sa isang entrapment operation sa Natividad Lopez St., sa harap ng city hall ng Manila, kahapon ng alas-6 ng hapon.

Batay sa sumbong ng complainant na si Ronald Guazon, isang vegetable dealer, residente ng Brgy. Palestina, San Jose City, Nueva Ecija, hiningan umano siya ng suspek ng P6,000 bilang protection money para hindi huliin tuwing nagdadala ng produkto sa Maynila.

Bukod sa marked money, narekober din sa suspek ang P300,000, na personal nitong pera.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng CITF at inaalam pa ng CITF kung bakit may dalang P300,000 ang suspek. | ulat ni Leo Sarne