Traditional New Year’s call sa PNP Chief, isinagawa

Nagsagawa ng tradisyunal na New Year’s call ang mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde ngayong umaga sa Camp Crame.

Isa-isang tinanggap ni PNP chief ang mga opisyal ng PNP Command Group, Directorial and Personal Staff, Police Regional Offices, National Support Units at Separate Units, kasama ang kanilang mga esposa sa Multi-purpose Center.

Ang New year’s call na hindi pina-cover sa media, ay pagkakataon para makasama ng PNP chief ang mga key official ng PNP sa isang pormal na pagtitipon.

Ito ang una at huling pagkakataon na magho-host ng New Year’s call si Albayalde, na nakatakdang magretiro sa Nobyembre ng taong ito. | ulat ni Leo Sarne