Tourist spot sa Laurel, Batangas, may restrictions sa pagpapapasok ng mga turista

Bukas na sa publiko ang tanyag na Simbahang Bato sa Barangay San Gabriel, Laurel, Batangas sa gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic.

Dalawampu hanggang tatlumpung tao ang maaaring makapasok sa simbahan kada sampung minuto.

Pero ayon kay Kagawad Mar Louie Manguerra, dahil COVID-19-free ang Barangay San Gabriel ay naglatag sila ng restrictions sa mga turista na naninirahan sa labas ng Laurel.

Hinahanapan aniya ng medical certificate o anumang katibayan na walang kaso ng virus sa lugar na pinanggalingan ng turista.

Kung walang sertipikasyon ay negative swab test result ang kanilang hinihingi o katunayan na nagpabakuna na kontra COVID-19 ang mga bibisita.

Hangga’t maaari ay 18 to 59 years old lamang ang pinapayagang makapasok sa simbahan pero kadalasan ay nadadaan sa pakiusap basta’t may certificate.

Ipinaliwanag ni Manguerra na iniingatan lamang nila ang mga residente lalo’t COVID-19-free ang barangay.