Tourism sector, hinikayat na samantalahin ang interest-free loan packages

Hinimok ng Department of Tourism (DOT) ang entrepreneurs sa tourism sector, na i-avail ang interest-free loans mula sa P6 billion na package ng national government.

Sa gitna ito ng pagbangon ng industriya mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Tourism Director for Tourism Standards and Regulation Virgilio Maguigad, umabot lang sa P145 million ang nailabas mula sa applications para sa loan package.

Dapat aniyang samantalahin, ang pagkakataon lalo at one-time service charge lang ang sisingilin.

Ang 6-billion COVID-19 Assistance to Restart Enterprises for Tourism Rehabilitation and Vitalization of Enterprises and Livelihood ay nasa ilalim ng Bayanihan 2.

Bukod dito, naglaan ang pamahalaan ng P3 bilyong, para sa mahigit 100,000 tourism workers sa buong bansa.