Top to bottom revamp sa BuCor, inutos ni Pangulong Duterte

Iniutos ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang top to bottom revamp sa mga opisyales ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ito ang inanunsiyo ni Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo, matapos na sila’y magkausap ni Pangulong Duterte sa cellphone ngayong hapon.

Batay aniya sa direktiba ni Pangulong Duterte, dadalhin sa probinsiya ang mga maaapektuhan ng top to bottom revamp na ikakasa sa BuCor officials sa Muntinlupa, effective immediately.

Huhugutin naman mula sa probinsiya ang mga ipapalit na apektadong opisyales ng BuCor sa revamp.

Hindi pa naman mabanggit sa ngayon ni Panelo, kung ilang mga opisyal ang maaapektuhan ng utos na total revamp ni Pangulong Duterte sa Bilibid.