Top 5 most wanted person ng Malabon, Arestado

Timbog sa isinagawang joint operation ng Warrant and Subpoena Section at station intelligence branch ng ng Malabon PNP ang Top 5 most wanted person ng Malabon ngayong araw.

Nasakote ang suspek na kinilalang si Balwin Bolosa, 22 anyos, sa kanyang tinitirahan sa Sitio Gulayan, Barangay Catmon sa Malabon.

Ayon sa Malabon PNP, inaresto ang suspek dahil sa kasong carnapping

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Malabon City Police Station ang suspek.