TNK, layon na bigyan ng disenteng trabaho ang mga Pilipino

Taong 2017 nang inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 11 ang Trabaho, Negosyo at Kabuhayan (TNK) katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) Davao.

Ipinunto ni Rachel Remedio SME Development Division Chief ng DTI Region 11, ang disenteng trabaho ay hindi lamang sa pag-alok ng mga bakanteng trabaho kundi nakaangkla sa programa ang livelihood projects.

Sa programang pangkabuhayan nakakapagbigay din ang mga small medium enterprise ng trabaho.

Ito aniya ang papel ng DTI, ang pagkalooban ang mga SMES ng business ideas upang matukoy ng mga ito kung anong negosyo ang swak sa kanilang skills na maaari nilang pagkakitaan

Sinabi ni Remedio, lumalampas sa kanilang target ang mga participants sa bawat training na iniaalok ng DTI Region 11.

Upang masiguro na hindi nasayang ang ipinagkaloob na training, mahigpit ang monitoring ng DTI Region 11 sa mga naging kalahok ng pagsasanay. | ulat ni Dang Jumala

Photo courtesy of DOLE XI -Davao Region Facebook page