Tinamaan ng COVID-19 sa Kamara umakyat na sa 90

Tatlong panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Kamara.

Si case #88 ay isang congressional staff. Pumasok ito sa trabaho noong October 19 ngunit pinauwi rin matapos makaranas ng sakit ng ulo at kinalaunan ay sinipon.

October 23 sumailalim sa swab test ang naturang staff at lumabas nitong November 3 ang resulta na positibo ito sa virus.

Ang isa naman na siyang case #89 ay isa ring congressional staff na na-expose naman sa isang district staff na kumpirmadong positive case. Kasalukuyan itong nakararanas pa rin ng lagnat at under home isolation.

Isang female representative naman ang ika-90 kaso.

Nasa 77-years old na ang mambabatas na hindi pinangalanan. Nakaranas umano siya ng sintomas pagkauwi ng Maynila mula probinsya noong October 30.

Kasalukuyan rin itong naka-isolate sa kanyang tahanan at nakararanas ng mild symptoms.