Tienda ng mga magsasaka at mangingisda, muling binuksan sa DA-QC at Manila

Dinumog ng mga mamimili ang Tienda Farmers and Fisherfolk Outlet, na sabay na binuksan ngayong umaga sa Department of Agriculture (DA) Central Office sa Quezon City At Bureau of Plant and Industry (BPI) sa Maynila.

Ibinibenta sa mga outlet ang mga agricultural product na tulad ng mga gulay, prutas, manok, isda at iba pa ng ayon sa farm gate price.

Pinakatampok sa mga ibinebenta ang 20 toneladang prutas na durian mula sa Davao Region.

Meron namang panga ng tuna, tilapia at dressed chicken, magagandang klase ng iba’t-ibang klase ng bigas mula sa Central Luzon.

Tatagal ang Tienda hanggang bukas, araw ng Sabado. | ulat ni Rey Ferrer