Think-tank na Infrastructure Watch Philippines, gustong ipa-diskwalipika ang Mislatel Consortium

Umapela ang think-tank na Infrastructure Watch Philippines sa Department of Information and Communication Technology (DICT) na i-diskwalipika ang Mindanao Islamic Telecom o Mislatel Consortium.

Ayon kay Infrawatch Philippines Convenor Atty. Terry Ridon, wala ng prangkisa ang Mislatel mula pa noong 2003 dahil sa kabiguan na lumahok sa stock market.

Sa ilalim ng requirement ng congressional franchise, otomatiko ng nawalang-bisa ang prangkisa ng Mislatel kasunod ng kabiguan nito na lumahok sa anumang securities exchange, gaya ng Philippine stocks limang taon na nang matanggap nila ang kanilang prangkisa noong 1998.

Sinabi ng Infrawatch Philippines na batay sa kanilang pagsusuri sa Philippine Stock Exchange (PSE), walang nakalista na Mislacom na kumpaniya.

Maliban sa dapat na i-diskwalipika ang Mislatel, dapat na i-hold muna ng National Telecommunication Commissions (NTC) ang prelimenary award sa kumpanya bilang third telco ng bansa.

Kasunod nito, hinimok ng grupo si DICT Sec. Eliseo Rio at NTC Commissioner Gamaliel Cordova na siyasatin munang mabuti ang Mislatel dahil sa kawalan nito ng prangkisa.  | ulat ni Rey Ferrer