Therapeutic Center sa Dagupan City, isasailalim sa rehabilitasyon

Isasailalim sa rehabilitasyon ng pamahalaang lungsod ng Dagupan ang Simulation and Therapeutic Activity Center ng siyudad.

Ayon kay Dagupan City Mayor Brian Lim, ang nasabing hakbang ay upang mabigyan ng mas maayos na serbisyo ang mga bata at matatanda na mayroong kapansanan o mga Person with Disabilities (PWD).

Sa katunayan aniya, ay nakipag-ugnayan na ito kay City Social Welfare and Development Head Leila Natividad, para sa nasabing programa matapos na makita ang sitwasyon ng pasilidad na nangangailangan ng pagkumpuni.

Kaugnay nito, sinimulan na rin ng City Planning Office ang pagpaplano para sa pagpapatayo ng state-of-the-art  Simulation and Therapeutic Activity Center sa lungsod.