Terms ng soft loans para sa tourism businesses, niluwagan para sa economic recovery

Hinikayat ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang tourism businesses, na samantalahin ang pautang o loan sa ilalim ng Bayanihan 2.

Ito ay matapos luwagan ang terms ng interest-free soft loans, para himukin ang micro, small and medium enterprises sa tourism industry, na i-avail ang loan facility ng Small Business Corporation.

Nakasaad din dito, na pinahihintulutan ang second round ng loans para sa employee retention at may maximum loanable amount na P5 milyon.

Pinasalamatan ni Puyat si Trade Secretary Ramon Lopez, dahil sa ginawang adjustment upang tulungan ang tourism businesses sa gitna ng global health crisis.

Bagamat ang COVID-19 vaccination pa rin sa tourism workers ang solusyon sa pagbangon ng industriya, hindi aniya maitatanggi na kailangan ng mga negosyo ng suporta ng pamahalaan, habang hinihintay ang suplay ng bakuna.