Tensyon sa West Philippine Sea nabawasan mula nang manungkulan ang Pangulong Duterte – Sec. Lorenzana

Nabawasan ang tensyon sa West Philippine Sea mula nang manungkulan ang Pangulong Rodrigo Duterte ayon kay Department of Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Nagtamo ng “great strides” ang pangulo sa kanyang pag-handle sa isyu ng pag-aagawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Sa ngayon aniya ay umiiral na ang kapayapaan sa West Philippine Sea at maari nang magpunta doon ang kahit na sino na hindi iistorbuhin ng China.

Ayon kay  Lorenzana, bilang patunay nito ay malayang nakakapangisda na ang mga local fishermen na hindi hinaharass ng Chinese Coast Guard.

Hindi na rin aniya hinaharass ang mga Pilipinong sundalo na nag-aayos ng mga pasilidad sa Pag-asa Island.

Isolated incident lang aniya ang nangyari kamakailan na panggugulo ng Chinese Coastguard sa Philippine Navy boat habang nagre-resupply ng pangangailangan ng mga sundalo sa Ayungin Shoal. | Ulat ni Leo Sarne