Taunang NCDM competition ng PNP, sinimulan na sa Quirino Grandstand sa Maynila

Sinimulan na ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang taunang National Civil Disturbance Management (NCDM) competition sa Quirino Grandstand sa Independence Road, Lungsod ng Maynila.

Nilalahukan ito ng iba’t ibang PNP regional offices at districts kasama na ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kabilang din sa participants ay ang contigent ng PNP-Special Action Force (PNP-SAF) na unang beses na sumali sa NCDM competition.

Layunin nito na subukin ang kanilang operational readiness, equipage, competency at capabillity sa panahong kailangang rumesponde sa iba’t ibang scenarios ng mga malalaking pagkilos gaya ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo.

May tatlong phases ang kompetisyon kabilang dito ang graded inspection, demonstration at problem solving.

 Ang NCDM competition ay parte rin ng paghahanda ng Pambansang Pulisya at AFP para sa SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo kung kailan inaasahang may mga grupo na magsasagawa ng mga kilos protesta. | ulat ni Shane Juan