Tauhan ng PNP na nasawi sa COVID-19, 67 na

Isa na namang tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang nasawi dahil sa COVID-19.

Kinilala ni PNP Chief General Guillermo Eleazar ang ika-67 fatality sa kanilang hanay bilang isang 47-taong gulang na Police Executive Master Sergeant na naka-assign sa Tagum City.

Nag-positibo ito sa COVID-19 noong May 27, at agad ipinasok sa ospital.

Na-intubate noong May 29, pero pumanaw sa ospital noong May 31.

Nagpahayag naman ng pakikidalamhati si Eleazar sa mga naulila ng pulis at tiniyak ang tulong ng PNP sa pamilya.

Sa ngayon ay nasa 24,253 na ang tauhan ng PNP na tinamaan ng COVID-19, kung saan 22,536 ang naka-rekober at 1,650 ang aktibong kaso.

Kasama na dito ang 167 bagong kaso at 236 na bagong recoveries na naitala ng PNP Health Service ngayong araw.