Tauhan ng PNP na nasawi sa COVID-19, 60 na

Umakyat na sa 60 ang bilang ng mga tauhan ng Philippine National Police na nasawi sa COVID-19.

Kinilala ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, ang huling fatality bilang isang 48-taong gulang na non-uniformed personnel na nakatalaga sa Quezon Provincial Police Office.

Ipinaabot naman ni Eleazar ang kanyang pakikidalamhati sa pamilya ng nasawing tauhan ng pulisya na itinaya ang sariling kaligtasan sa pagganap ng kanyang tungkulin.

Sa ngayon, 21,416 na ang mga tinamaan ng COVID-19 sa PNP, kung saan 19,920 ang naka-rekober, at 1,436 ang aktibong kaso.

Kasama na sa bilang na ito ang 117 recoveries at 95 bagong kasong iniulat ng PNP Health Service sa araw na ito.