Tauhan ng PNP na nabakunahan, halos 12,000 na

Nasa 11,967 na ang tauhan ng Philippine National Police (PNP) na nabukanahan na.

Sa ulat ni PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support To COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander PLt. Gen. Guillermo Eleazar, ito ay 5.3 porsyento ng kanilang kabuuang 219,602 puwersa.

Para sa unang dose ng bakuna, 9,967 ang tinurukan ng Sinovac, 1,994 ng AstraZeneca, apat ng Moderna, at dalawa ng Pfizer.

Habang 2,789 naman ang nakakumpleto ng ikalawang dose ng Sinovac, at dalawa naman ang Pfizer.

Iniulat pa ni Eleazar na tuloy-tuloy din ang mass testing ng kanilang mga tauhan kung saan 163,849 na ang naisalang sa RT-PCR test, o 62.3 porsyento ng kanilang buong puwersa.