Tauhan ng BuCor nasaksak sa loob ng Bilibid

Nasaksak ang isang tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) sa mismong loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay Justice Undersecretary Mark Perete, ang biktima ay kinilalang si Duty Office Edgardo Ferrer.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, si Ferrer ay sinaksak ng isang person deprived of liberty o PDL kaninang alas-8:40 ng umaga.

Ayon kay Perete, ang suspek ay nakararanas ng schizophrenia.

Nagtamo naman si Ferrer ng saksak sa lower abdominal at agad na binigyan ng atensyong-medikal.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng BuCor sa naganap na stabbing incident sa Bilibid.