Tatlong warehouse sa QC, sinalakay ng Customs; 10 bilyong halaga ng kontrabando, nadiskubre

Aabot sa higit 10.5 bilyong pisong halaga ng mga kontrabando ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa tatlong warehouse na sinalakay sa PTFC Compound Marvex Drive at A.bonifacio Ave., Quezon City.

Sa pulong-balitaan sa QC, sinabi ni Customs Commissioner Isidro LapeƱa na ang raid ay ginawa ng mga tauhan ng BOC- Enforcement and Security Service matapos makatanggap ng isang tip mula sa isang impormante.

Kabilang sa mga sinamsam ng Customs ang may 8.5 bilyong pisong fake tax stamps, smuggled cigarettes, used clothings, imported rice at iba pang fake goods.

Ang tatlong warehouse ay pag-aari nina Franco Wong, Patriana Navarro Wong, Johnny So, Arlene Hung Cai, Hellos Hung at Joyslyn Navarro Wong.

Bigo naman na maaresto ang mga may-ari dahil wala sila sa pinangyarihang lugar ng gawin ang pagsalakay.

Pero binigyan pa sila ng BOC ng pagkakataon na lumutang at patunayan na ligal ang kanilang transaksyon. | ulat ni Rey Ferrer