Tatlong tauhan ng PCOO, nabigyan na ng show cause order, kaugnay ng pagkakamali sa ID ng Malacañang reporters

Tiniyak ni PCOO Secretary Martin Andanar na gumugulong na ang imbestigasyon hinggil sa pagkakamali sa mga naimprentang ID ng Malacañang Press corps o MPC.

Ayon kay PCOO Secretary Andanar, nabigyan na ng show cause order ang isang PCOO director at dalawa pang subordinates nito dahil sa naturang pagkakamali.

Sa ngayon ay hindi pa nilalabas ng kalihim ang pangalan ng mga PCOO officials na iniimbestigahan at hayaan na muna aniyang gumulong ang ligal na proseso sa mga ito.

Matatandaang binatikos lalo na sa social media ang kumalat na litrato ng MPC ID, dahil sa dami ng grammatical error na nakaimprenta sa likod na bahagi ng ID.

Una ng sinabi ni Andanar na nagkaroon ng breach of protocol sa pag-iimprenta ng mga ID dahil hindi naipakita sa kanya ang likod na bahagi ng ID at hindi napaaprubahan sa kanya ang final design nito. | via Nimfa Mae Asuncion