Tatlong business establishments sa QC, ipinasara ng BIR

Tuluyan nang ipinasara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang operasyon ng tatlong business establishments sa Quezon City, dahil sa paglabag sa provisions ng National Internal Revenue Code.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa, ang tatlong business establishments sa Quezon City na pag-aari ni Clarice Norma Maog ay matatagpuan sa No. 23 2nd Laguna Street, NIA Village, Tandang Sora, QC, habang ang isa ay nasa Dapitan Arcade, Kanlaon cor. Dapitan Sts., Brgy. Lourdes, at sa Suki Market, N. Roxas, Kanlaon St., Brgy. Teresita.

Base sa talaan ng BIR, nagbebenta ng handicrafts ang mga ipinasarang establisyemento.

Unang nagsagawa ng sampung araw na surveillance ang ahensya sa daily sales ng taxpayer, at nadiskubre na may ginawang under declaration sa sales ng higit sa 30% at iba pang paglabag sa taxable years na 2017 at 2018.

Binigyan ng 48-Hour notice at 5-day Value Added Tax Compliance Notice ang tax payer para tumugon sa mga requirement pero binalewala lamang nito.

Kaya’t napilitan nang maglabas ng closure order ang BIR ng mabigo itong ayusin ang kanyang pagkakautang sa buwis. | ulat ni Rey Ferrer