Tatanggaling benepisyaryo ang mahuhuling isinasangla ang kanilang cash card – DSWD 11

Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) 11 sa mga benepisyaryo ng kanilang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), na sususpendihin ang kanilang pagtanggap ng benepisyo kapag nahuli na isinangla ang kanilang mga cash card.

Sa pahayag ni DSWD 11 Pantawid Regional Grievance Redress System focal person Odyssa Esther K. Matas, mariin nilang ipinagbabawal ang pagsangla ng mga ATM card para makapangutang.

Ayon kay Matas, na ang naturang patakaran ay nakasaad sa Grievance Redress System guidelines na aprubado ng Pantawid National Advisory Committee (PNAC).

Bukod sa pagsasangla, ipinagbabawal din na gamitin ang naturang benepisyo sa pagsusugal at pag-iinom ng alak at iba pa, dahil laan ang perang makukuha para sa edukasyon, kalusugan at iba pang pangangailan ng pamilya.

Sabi din ni Matas, na kapag paulit-ulit itong nilalabag ng benepisyaro, irerekomenda nila itong tanggalin sa kanilang listahan.

Noong taong 2018, nasa 186 benepisyaryo ang naiulat┬ána lumalabag sa panuntunan ng 4Ps at napatawan na sila ng kaukulang parusa. | ulat ni Armando Fenequito – Radyo Pilipinas Davao