Task Force Bangon Marawi, naghahanap na ng higanteng developer para sa target ng pamahalaang gawin ang lungsod bilang isang world class city

Kasunod ng nasimulan ng pagkakaloob ng temporary shelters sa mga internally displaced persons (IDPs) sa lungsod ng Marawi, nagsisimula ng maghanap ang pamahalaan ng malaking developer para sa mas malaki pang programa kaugnay ng pagbangon ng nawasak na siyudad.

Ito ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque ay sa harap na rin ng bisyon ng administrasyon na i-develop ang ground zero.

Pahayag ni Roque, isang modernong Islamic City ang balak ng pamahalaan sa gitna ng gagawing re-development para sa Marawi na lubhang nawasak bunsod ng naganap na limang buwang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at terorista.

Isang showcase city ani Roque ang plano para sa nasirang lungsod na may apat na lane highways at mayroong world class promenade.

Sa ngayon ayon sa Palace Spokesman ay naghahanap na ang Task Force Bangon Marawi ng higanteng developer para sa nasabing plano sa ground zero. | via Alvin Baltazar

#RadyoPilipinas738