Task Force Balik-loob, nagpasalamat sa Kongreso sa pagsang-ayon sa amnestiya sa mga dating rebelde

Nagpasalamat ang Task Force Balik-loob (TFBL) sa Kongreso sa pagpasa ng House Concurrent Resolution Number 15 noong May 19.

Ang resolusyon ay sumang-ayon sa Presidential Proclamation No. 1093 noong February 5, na nagbigay ng amnestiya sa mga dating miyembro ng kilusang komunista.

Ayon kay TFBL Chairman, Defense Undersecretary Reynaldo Mapagu, ang suporta ng Kongreso ay malaking tulong sa pagsulong ng pangmatagalang kapayapaan.

Ipinapakita din aniya nito na nasa likod ng Pangulong Duterte ang buong pamahalaan sa kanyang pagnanais na mabigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga rebeldeng tumalikod sa karahasan.

Umaasa naman si Andolong na magpapasa din ng kahalintulad na resolusyon ang Senado.