Tamang proseso sa pag-apruba ng pambansang pondo dapat tiyaking masusunod

Pinatitiyak ni Muntinlupa Representative Ruffy Biazon, na hindi lang dapat agad ipasa ang 2021 General Appropriations Bill bagkus ay siguruhin din na masusunod ang tamang budget process sa pagpasa nito.

Sa pagbabalik sesyon ng Kamara ngayong araw para talakayin ang panukalang pambansang pondo sa ilalim ng bagong liderato, sinabi ni Biazon na vice chair din ng committee on appropriations, na kailangan makumpleto ang budget process mula sa deliberations hanggang termination of debated ng bawat ahensya, turno en contra, opening at closing ng period of committee, at individual amendments bago ito ipasa sa second at third reading.

Ito ay kasunod na rin ng agarang pagpasa sa second reading ng P4.5 trillion General Appropriations Bill, at sinundan ng maagang pagsuspinde ng sesyon.

Ayon kay Biazon, kailangan itama ang budget process na pasok pa rin sa timetable na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte para ito ay ipasa.

Bilang vice chair ng appropriations committee, dinipensahan ni ni Biazon ang anim na ahensya kabilang na ang Department of Science and Technology (DOST), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Dangerous Drugs Board, National Intelligence Coordinating Agency at Philippine Postal Corporation.