Tamang implementasyon ng RA 10592, nais paimbestigahan sa Kamara

Nais paimbestigahan ni House Committee on Justice Vice Chairman Alfredo Garbin ang implementasyon ng R.A 10592 o Conditional Good Conduct Time Allowance.

Sa gitna ito ng pag-alma ng marami sa napipintong paglaya ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez na pangunahing akusado sa Sarmenta-Gomez rape and murder case.

Cong. Garbin, ipinabubusisi ang Republict Act No. 10592 o ang batas kaugnay ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) para sa mga preso

Cong. Garbin, ipinabubusisi ang Republict Act No. 10592 o ang batas kaugnay ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) para sa mga preso.

Posted by Radyo Pilipinas on Thursday, August 22, 2019

Ani Garbin, dapat rebyuhin ang naturang batas upang matiyak na ang mga bilanggo lamang na pasok sa criteria ang makikinabang sa commutation ng kanilang sintensya.

Kinuwestyon din nito kung bakit napasama si Sanchez sa mga ikinokonsidera gayung nakitaan na ito ng iligal na droga at kontrabando sa kanyang selda, taliwas sa good behavior na basehan ng pagpapababa ng taon ng sintensya.

Ikinababahala rin ng kongresista na baka gamitin ito o maging precedence ng ibang mga bilanggo na umamin at tumestigo sa mga nakaraang justice committee hearing, hinggil sa paglaganap ng droga sa mga kulungan.

Dagdag pa nito, dapat ibukod ang mga akusadong nahatulan sa heinous crimes.