Talamak na nakawan ng mga alagaing hayop ng Bureau of Animal Industry sa Palawan, ibinunyag ni Agriculture Sec. Piñol

Hindi mangingiming sibakin sa pwesto at kasuhan ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang sinumang tiwaling kawani o opisyal ng gobyerno, na mapatutunayang sangkot sa mga nangyayaring nakawan sa isang livestock farm sa Isla ng Busuanga sa Palawan.

Ito ang hakbang ng kalihim, kasunod ng impormasyong natanggap kaugnay sa isang sindikato na nagbibenta ng lupa na bahagi ng rancho na kinalalagyan ng mga baka na pag-aari ng Bureau of Animal Industry at ang pagnanakaw at pagkakatay ng mga alagang baka kada linggo.

Nakipag-ugnayan na si Secretary Piñol sa provincial government at pulisya ng Palawan kaugnay nito, at para paalisin din ang mga pamilyang squatter na nakatira sa lugar. | via Rey Ferrer

Photo courtesy: Department of Agriculture FB page