Tagkawayan Municipal Police Station, unang ininspeksyon sa Intensified Cleanliness Campaign ni PNP Chief Eleazar

Ininspeksyon kaninang umaga ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar ang Tagkawayan Municipal Police Station sa Quezon sa pagpapatupad ng kanyang “Intensified Cleanliness Campaign”.

Ayon sa PNP chief, kusang hindi siya nag-inspeksyon ngayong weekend matapos i-anunsyo ang kanyang kampanya para sa mga malinis at maayos na istasyon ng pulis para ang istasyon sa kanyang “hometown” ang una niyang mapuntahan.

Matapos ang inspeksyon, pinangunahan ni General Eleazar ang pagpapanumpa sa tungkulin ng mga Support groups at Force multipliers ng Tagkawayan PNP na katuwang ng mga pulis sa pagpapanatili ng kaayusan.

Ang inspeksyon ay bahagi ng pagbabalik ng PNP chief sa kanyang “home town” para magbigay-pugay at magpasalamat sa kanyang mga kababayan, Kaninang umaga.

Sa kanyang pagharap sa kanyang mga kababayan, hindi napigilan ni General Eleazar na maluha nang isalaysay niya kung paano nagtungo ng Maynila ang isang batang paslit mula sa Tagkawayan upang mag-exam sa Philippine Military Academy (PMA), at ngayon ay bumabalik sa Tagkawayan bilang PNP chief.