Swab upon arrival policy ng Cebu, pinuri ni Rep. Bernadette Herrera

Pinapurihan ni Deputy Speaker Bernadette Herrera ang COVID-19 swab upon arrival policy ng Cebu Provincial Government.

Ayon sa mambabatas, practical, logical, at beneficial ang naturang polisiya, kung saan isasailalim agad sa COVID-19 test ang lahat ng dumarating na overseas Filipino workers (OFWs) at returning overseas Filipinos (ROF).

Diin ni Herrera, inaalis nito ang emotional at financial burden ng mga OFW at ROF, kasabay ng pagtitiyak ng proteksyon sa banta ng COVID-19 mula sa mga dumarating na pasahero.

Dahil dito, maagang nade-detect ang positibong kaso ng virus.

Hindi naman kailangan ikulong sa isolation ang mga OFW at ROF, sakaling mag negatibo sa test at maaaring sa mga bahay na lang mag-quarantine.

Bunsod nito, panawagan ni Herrera na gawing nationwide na rin ang naturang polisiya.