Susunod na biyahe sa labas ng bansa ni Pangulong Duterte, via commercial flight din ayon mismo sa Chief Executive

Muling magku-commercial flight si Pangulong Rodrigo Duterte sa inaasahang susunod na biyahe niya sa labas ng bansa.

Kaugnay ito ng planong pagtungo ng Pangulo sa Kuwait na una na niyang sinabing kanyang sasadyain sa mga susunod na araw.

Ayon sa Pangulo, nais niya lang iparating nang personal ang kanyang pasasalamat sa mga opisyales ng Kuwait kasunod ng naayos nang hindi pagkakaunawaan tungkol sa ilang diplomatic issues sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.

Hindi naman aniya siya magtatagal sa Kuwait gayung pagkatapos niyang magpasalamat ay agad din siyang uuwi sa pamamagitan ng unang available flight.

Matatandaang sa biyaheng South Korea ng Pangulo kamakailan lang ay nag-commercial flight ito papunta at pabalik kung saan, malaki ang namenos na gastos ng gobyerno bunsod ng naturang inisyatibo ng Pangulo. | ulat ni Alvin Baltazar