Suspension ng tourism activities sa bayan ng Tingloy sa Batangas, umiiral pa rin

Hindi pa rin pinapayagan ang mga lokal at dayuhang turista na makapasok sa Tingloy Batangas kung saan matatagpuan ang ilang tanyag na beaches.

Sa inilabas na abiso ng Tingloy Municipal government, kabilang ang lugar na nasa ilalim pa ng general community quarantine hanggang June 30,2021.

Dahil dito, pansamantala munang sinuspinde ang lahat ng tourism activity maliban sa diving na kabilang sa pinayagang aktibidad sa ilalim ng GCQ.

Ang hindi pagpayag sa mga turista na makapasok sa isla ay layong maprotektahan ang lugar laban sa pagkalat ng COVID-19.

Nakadepende pa rin sa municipal government kung palalawigin pa o tanggalin ang temporary suspension ng tourism activities sa lugar pagkatapos ng buwan ng Hunyo.