Suspek sa pagpatay sa broadcaster sa Kidapawan City, sumuko

Mariin pa ring pinabulaanan ng isa sa mga suspek sa pagpatay sa brodkaster sa Kidapawan City na sangkot ito sa krimen.

Boluntaryong sumuko kahapon sa Kidapawan City Philippine National Police (PNP) si Jun Jacolbe, isa ring brodkaster, na idinawit sa pagpaslang kay Ed Dizon noong July 10, 2019 sa Kidapawan City.

Sumuko si Jacolbe bago pa man isilbi ang warrant of arrest sa kanya, na inisyu ni Judge Henelinda Molina Diaz ng Regional Trial Court 12 Branch 61.

Kasama ni Jacolbe sa sinampahan ng kasong pagpaslang kay Dizon sina Bong Encarnacion na isa ring brodkaster at Junell Gerozaga.

Nakatakda namang isilbi ang order de aresto kina Encarnacion at Gerozaga.