Surprise inpection sa mga presinto ng pulis, ipagpapatuloy ni PNP Chief Eleazar

Ipagpapatuloy ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar ang mga surprise inspection sa mga presinto ng pulis tulad ng ginawa niya noong pinamumunuan niya ang National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ito ang sinabi ni General Eleazar sa kanyang unang press conference bilang PNP chief kaninang umaga sa Camp Crame.

Ayon kay General Eleazar, ito ay para masiguro na maayos na naipatutupad ang kanyang “Intensified Cleanliness Campaign,” partikular sa mga Police Community Precinct (PCP) na unang nakikita ng mga mamamayan.

Tuloy din aniya ang 2-strike policy kung saan tatanggalin sa pwesto ang PCP commander kung dalawang beses bumagsak sa inspeksyon ang kanyang istasyon.

Sibak din aniya sa pwesto ang mga chief of Police kung dalawang PCP commanders nila ang matanggal dahil dito.

Ayon kay Eleazar, ang PNP-Internal Affairs Service ay araw-araw nang nag-iinspeksyon, at maging siya mismo ay magsasagawa ng surprise inspeksyon.