SURE Aid para sa rice farmers, inilunsad na sa NE – DA

Inilunsad na ngayong umaga ng Department of Agriculture (DA) sa Nueva Ecija ang SURE Aid o Survival and Recovery Assistance Program para sa mga rice farmers.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, sa pamamagitan ng SURE Aid, lahat ng farmers na naapeÄ·tuhan ng rice tariffication ay makaka-avail ng P15,000 na soft loan, na may zero-interest at babayaran sa loob ng walong taon.

Una nang ipinatupad ng DA ang ‘accelerated roll over system’, isang hakbang para matugunan ang pagbaba ng presyo ng palay at bigas.

Sa ilalim umano ng sistema, magpapatuloy ang National Food Authority sa pagbili, paggiling at pagbenta ng bigas habang tinitiyak na mayroong 30-day buffer stock.

Kinilala din ni Secretary Dar ang Nueva Ecija Provincial Local Government Unit na nagbigay ng agarang tulong sa affected farmers, at hinikayat ang LGU na palakasin pa ang pakikipagtulungan nito sa DA.