Supplemental budget reso para sa NFA, inihain ng Makabayan bloc

Inihain kahapon ng Makabayan bloc ang Joint Resolution no. 18. Layon nito na mabigyan ng ₱15-billion supplemental budget ang National Food Authority (NFA).

Ang pondong ito ay gagamitin pambili ng hindi bababa sa 750,000 metric tons na palay mula sa local farmers sa halagang ₱20.

Isa ito sa nakikitang solusyon ng mga mambabatas para matulungan ang mga magsasaka na apektado ng mababang farm gate price ng palay bunsod ng Rice Tariffication Law.

Bukod sa Makabayan bloc, nasa apatnapu’t walong iba pang kongresista ang lumagda ng suporta sa naturang resolusyon.