Suplay ng isda na ibinabagsak sa Navotas Fish Port Complex, nanatiling mataas

Mula Mayo 17 hanggang 23, napanatili pa ang mataas na suplay ng isda na ibinabagsak sa Philippine Fisheries Development – Navotas Fish Port Complex.

Ayon sa PFDA Regional Fish Ports monitoring report ng Operations Services Department , naitala ang higit 4,000 metric tons ng suplay ng isda na available para sa Metro Manila at mga piling lugar sa Luzon.
 
Ito na rin ang pinakamataas na volume ng isda na ibinaba sa daungan ngayong buwan ng Mayo.
 
Nangunguna pa rin ang isdang galunggong na pinakamaraming suplay sinundan ng bangus, sardines, tilapia, at shellfish.
 
Dahil sa may kaluwagan na ng COVID-19 restrictions sa lugar, ipagpapatuloy ng fish port ang kanilang pagsisikap na mapanatili ang mataas na volume ng unloaded fish products hanggang sa katapusan ng buwan.