Suplay ng bigas sa NFA Western Pangasinan, darating ngayong Hunyo

DAGUPAN CITY–Inaasahan ng National Food Authority (NFA) Western Pangasinan na darating ngayong buwan ng Hunyo ang libu-libong stock ng bigas para sa kanilang tanggapan.

Ayon kay Chona Maramba, Officer in Charge Assistant Manager ng NFA Western Pangasinan Branch umaabot sa 100,000 bag ng bigas ang nakalaan para sa kanilang tanggapan.

Una aniyang ibibigay ang kalahati nito at isusunod ang kalahati.

Unang dumating ang suplay para sa National Capital Region at lalawigan ng Cebu.

Wala naman daw dapat na ikabahala dahil sa kasalukuyang buwan ay inaasahang darating ang suplay nito para sa NFA Western Pangasinan.

Kinumpirma naman nito na sa ngayon ay said na ang stock sa kanilang tanggapan. | ulat mula sa DZMQ-Dagupan