Suplay at presyo ng isda inaalam ng BFAR, ilang palengke ininspeksiyon

Tuloy-tuloy na isinasagawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang inspeksiyon sa mga ibenebentang isda sa mga pamilihan sa Quezon City.

Layon ng inspeksiyon ni BFAR Director Eduardo Gongona, na alamin ang suplay at presyo ng isda at kung sumusunod sila sa Suggested Retail Price (SRP), lalo na ng bangus, tilapia at galunggong.

Unang tinungo ng grupo ng BFAR ang Tandang Sora market, kung saan nakitaan na may paglabag sa SRP ng isda.

Ang presyo ng tilapia ay nasa P120 at ang bangus ay nasa P180-190 kada kilo, habang ang galunggong ay mula P160-180.

Mas mataas ito sa SRP na ipinatutupad sa mga isdang galunggong na dapat ay P140 lamang, bangus P150 at tilapia P100.

Sunod na pinuntahan nina Gongona ang palengke ng Muñoz at Balintawak market, na isa sa mga bagsakan ng isda.

Sa Balintawak market, nakita ni Gongona na resonable naman ang presyo ng galunggong, tilapia at bangus.

Tiniyak pa ni Gongona, na pagpapaliwanagin niya ang sinoman na nagtitinda ng isda na ang presyo ay mas mataas sa SRP, bago patawan ng pahintulot. | ulat ni Rey Ferrer