Student loan program, iaalok na ngayong taon sa mga Tertiary education students- CHED

Tiniyak ng Commission on Higher Education na maaari nang makapag avail ang mga studyante ng short-term o long-term loan sa ilalim ng Student Loan Program ng Republic Act 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTEA).

Partikular na ang mga Tertiary education students, mula sa higher education institutions at Technical-Vocational Institutions.

Sinabi ni Unified Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST) Secretariat Officer-in-Charge Executive Director Atty. Carmelita Yadao-Sison, na maipapatupad na ngayong taon ang short-term loan program sa tulong ng ilang government financial institutions.

Base sa implementing rules and regulations ng UAQTEA, lahat ng Pinoy students na tinanggap sa education institutions at Technical-Vocational Institutions ay eligible na maka-avail sa Student Loan Program. | via Rey Ferrer