Student free ride program ng MRT-3, patuloy na tinatangkilik ng mga estudyante

Nasa kabuuang bilang na 38,081 na mag-aaral ang nabenepisyuhan ng libreng sakay sa MRT-3, mula nang ipatupad ito noong nakalipas na buwan ng Hulyo.

Pinakamataas na bilang na estudyante na nakapag-avail ng student free ride program ay kahapon, kung saan umabot na sa 2,180.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, ang mga mag-aaral ay mula sa pre-school hanggang kolehiyo, kasama na ang mula sa mga trade at vocational school.

Maaaring ma-avail ng mga mag-aaral ang libreng sakay mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-6:30 ng umaga, at alas-3:00 hanggang alas-4:30 naman sa hapon, Lunes hanggang Biyernes, maliban sa holiday.

Sa mga gusto pang maka-avail ng libreng sakay sa MRT-3, iprisinta lamang ng mga estudyante ang kanilang school ID o registratiom form.

At sa mga interesado na magkaroon ng student free ride ID, makipag-ugnayan lamang sa mga Malasakit Help Desk sa mga MRT station o ‘di kaya ay pumunta sa website na   tinyurl.com/y66f8nr4   at sagutan ang application form.