Structural integrity ng PGH, sinisilip na ngayon ng DPWH

Nagsasagawa na sa kasalukyan ng assessment ang Public Works and Highways Department sa istraktura ng Philippine General Hospital.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na bagamat nakatitiyak silang 100% pasado sa Building Code ang PGH ay hindi pa din maiiwasang kailangang matiyak ang structural integrity nito matapos na dumaan sa sunog.

Walang duda ayon kay Roque na hindi lamang PGH kundi lahat ng mga ospital ay tiyak na dumaan sa masusing pagsusuri upang masiguro ang tibay at tatag nito.

Hindi lamang aniya sa panahon ng sunog kundi pati ng iba pang sakunang maaaring mangyari gaya ng lindol.

Kung may mga gusali aniyang dapat na taguriang last building standing sa panahon ng ganitong mga pangyayari, ito dapat ani Roque ay ang mga ospital.