State visit ni President Xi Jinping sa Pilipinas, tuloy na sa susunod na linggo

Tuloy na ang dalawang araw na state visit ni Chinese President Xi Jinping sa bansa sa susunod na linggo.

Opisyal nang inanunsyo ng Malacañang ang dalawang araw na state visit ni President Xi sa bansa mula Nobyembre 20-21.

Sa unang pagkakataon sa loob ng 13 taon ay muling magsasagawa ng state visit sa Pilipinas ang isang Chinese president.

Inaasahang mapag-uusapan nina Pangulong Duterte at ni President Xi kung paano pa patatatagin ang relasyon ng Pilipinas at China.

Ang pagbisita ni President Xi ay bunsod  na rin ng imbitasyon sa kanya ni Pangulong Duterte. | ulat ni Alvin Baltazar