SRP sa bigas ipapatupad muna ng DA sa 3 rehiyon sa bansa – Sec. Piñol

Ipapatupad muna ng Department of Agriculture (DA) sa tatlong rehiyon sa bansa ang Suggested Retail Price (SRP) sa bigas.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, kabilang sa pilot areas ay ang Metro Manila, Southern Tagalog at Central Luzon.

Sinabi din ni Piñol, na dedesisyunan pa ng National Food Auhtority (NFA) council sa Martes ang SRP ng bigas sa Northern Luzon, Bicol, Visayas at Mindanao.

Sa Martes rin pag-uusapan ang SRP ng bigas sa mga supermarket.

Dagdag pa ng kalihim, plano pa nilang magpaskil ng poster ng SRP sa mga palengke. | ulat ni Rey Ferrrer