Sports, nakakatulong sa paghubog ng mga susunod na lider ng bansa — Pangulong Duterte

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kabataan na isabuhay ang magagandang asal at kakayahang natututunan nila mula sa sports.

Ito ang naging mensahe ng Pangulo sa lahat ng mga batang atletang kalahok sa Palarong Pambansa 2018 na ginaganap sa Ilocos Sur.

Ayon sa Pangulo, bukod sa pagpapamalas ng galing sa iba’t-ibang larong pampalakasan, ang taunang sports event rin ay nagsisilbing training ground sa mga susunod na magiging lider ng ating bansa.

Mainam rin aniya itong paraan para maiiwas ang kabataan mula sa iligal na droga, krimen at iba pang iligal na gawain.

Hinimok rin Pangulo ang mga batang atleta na pagbutihin rin ang kanilang pag-aaral.

Kasabay nito tiniyak ng Pangulo na itutuloy ng gobyerno ang kanilang kampanyang masugpo ang mga anay na sumisira sa lipunan para matiyak ang isang ligtas at maunlad na kinabukasan ng susunod na henerasyon.

Gayundin ang pagtitiyak ng suporta ng pamahalaan sa sports programs at mga atletang Pinoy lalo na sa mga lumalaban sa ibang bansa bilang kinatawan ng Pilipinas. | via Nimfa Mae Asuncion